I Let you Go…..

Posted: August 11, 2012 in Misterio ng pag-ibig

Isa….. dalwa…apat na araw?

Dito kami unang magkita ni Mariel. Nagkakilala kami sa isang dating web site. Nakakahiyang aminin, pero libog kami noon, so we decided to meet and find for a Motel to rent. Pero nung nakita ko siya nawalan ako ng ganag makipagsex. Ganun din siya. Niyaya niya akong magusap na lang kami, masarap naman Tumamabay dito. Ang dagat ng maynila.

Marami kaming napagkuwentuhang mga bagay about our personal lives. She asked me to tell the truth and I dare her to tell also the truth. Kaya I felt easy telling her everything. Masarap siyang kausap. Madami kaming napagkwentuhan, kahit yung mga most embarrassing moments namin. Actually we met at 10 in the evening. At mag-aalas singko na nang magdecide na siyang umuwi. Kahit nakakabitin, I let her go.

Three days, finally,  after waiting for her call, she texted me.

“Kmusta ka na? tambay ulit tayo same time? Same  place?”

I agreed to meet her again. Ang tagal ko kayang hinintay ulit yung pagkakataon nay un. I was so excited na sa wakas makikita ko ulit siya. Quarter to 10 nang dumating ako dun, I was early para di siya magintay. Pero mas maaga pa siyang dumating kaysa sa akin. She smiled at me nang nakita niya ako. Masaya kami nang makita namain ang isa’t isa. it was the same as our first meet up. Kwentuhan pa din. Pero may iba sa kanya. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga salita. Hanggang sa wala na kaming mapagusapan. Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalwa. Hanggang sa tumulo sa mga mata niya ang kaniyang luha. Tinanong ko kung anong problema. But she continued crying. I offered her my shoulders.  At bigla niya akong niyakap. Doon niya inamin sa akin na may boyfriend siya. Masakit but I Let her go.

Parang gumuho ang mundo ko nanag malaman ko yun. Lutang ang diwa sa mga araw na sumunod. Nakakapagtaka pero dalwang araw pa lang kami nagkita pero nahulog na ako sa kanya. Mahal ko na siya. Mahal na mahal. But only to find out na may Boyfriend na siya? Ouch! You can never really find true love in cyber world. Siguro it’s time to really let you go.

Then she called. Gusto niya akong makita. But for what reason? Para san pa? pero mahal ko siya kaya pinagbigyan ko siya. Bigla siyang nagtext, “Magkita tayo please may sasabihin ako sayo importante”

Nagtaka ako sa sasabihin niya. Ano kaya yun. Nabuhayan ako ng loob hindi ko alam kung bakit pero nagmadali akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Nagshower ako, naghilod ng pagkadiin-diin. Nagpabango ng sobra, nagpulbo at naglagay ng fix sa buhok. Ayan presentable na ako. Bumili pa ako ng rosas para sa kanya. Dumating ako sa meeting place namin .

Badtrip!! May aberya pa! nag karon pa ng aksidente sa roxas ave! nalate tuloy ako ng dating. Wala na siya. Alas onse na ako dumating sa tagpuan namin. Tinext ko siya, sorry nagkaron ng aksidente sa roxas, please, hihintayin kita bukas.

Isa, dalwa, tatlo, apat na araw?..Ilang araw na ang nakalipas hindi pa din siya nagpapakita sa akin. Tuyo na itong dala kong rosas. Hihintayin kita. Sorry I let you go.

I let you go like the petals of a rose. You cannot do anything to stop it from falling

It’s been so long!

Posted: August 11, 2012 in Uncategorized

Its been so long when I posted my last blog tsk…There have been great changes in my life this past few months. My study habits are changed. It changed my schedule, making me busy. It changed my lifestyle, keeping me fit and healthy. It made me more a multi-tasker than to be a proficient person.

Frankly one of the factors why I stopped blogging is because I lost my appetite in writing. Well I am not a professional writer nor a good writer. I was discouraged to write. Up to now there are still those who asked me to stop writing. They say its a waste of time, my writings were nonsense, there are greater writers than you do so why write? But I wanted to write, for documentary purpose..:).. still here I am making another fucking article about me.

For the next few Days with the world, I am to post new articles about what happened with me this past few Months. New stories, love, education, friends etc. I joined new groups that would mold my talent (not writing), I am in love, a going strong relationship. I am having a challenging year in college. I am full of days with the world unknown by you, so stay tuned..:)))))))))))))))))))))))))))

So many days with the world were missed. so many days with the world were undocumented. so many days with the world unraveled. so many days with the world not witnessed, God bless guys and gals!!!!Image 

Paparachi

Posted: April 8, 2012 in Mahal na Araw 2012..

Si Rachi isang baklang pakalat-kalat sa bayan. Madalas siyang makitang nakamaikling short at nakameyk-up. Ngayon, aba, kagulat-gulat, lalaking-lalake ang anyo niya. Kagalang-galang ang kaniyang itsura ngayon, at talagang nakikisama siya sa pagunita ng byernes santo. Taimtim siyang nakisama sa prusisyon, hawak ang kandilang umuusok ng itim. Ngunit hindi mo mapapagwari ang unti-unti niyang paglingon sa paligid. Animo’y may hinahanap. Tingin dito, lingon doon, hindi siya mapakali, sinusuri ang mga lalake mula ulo hanggang paa. Te baka mauna pa silang matunaw kaysa sa hawak mong kandila. Kapansin-pansin na pinipigilan niya ang kanyang sairili. Nagtagumpay naman siya at masaya niyang tinapos ang prusisyon. Nakipagsiksikan din siya sa pagkuha ng mga bulaklak sa mga karwahe ng mga santo. Dumiretso din siya sa simbahan at makalipas ng ilang minuto’y lumabas siya ng may malaking ngiti sa mukha. Mukhang natupad agad ang idinasal niya sa loob. May kasama na siyang batang lalake nagpalitan sila ng mga ngiti at nagtawanan. Sabay silang nagtirik ng kandila sa may altar sa labas ng simbahan.  Pinanood din nila ang mga pumapasok na karwahe na nasa hulihan ng prusisyon. Nakaakbay si Rachi sa bata nang lumabas sila ng simbahan patungo sa isang turo-turo. Sabay silang kumain doon at siya ang nagbayad ng kinain nila. Malugod silang nagtatawanan at nagpapalitan ng mga banat. Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na sila palayo ng bayan. Tumungo sila sa landas na papunta sa palengke. Nakaakbay si Rachi sa bata nang maglaho sila sa dilim.

Taon- taon ang mga pamliyang may kaya’y nagiisponsor na pagandahin ang mga karwahe ng mga santo. Paliwanagan ng mga sasakyan, padamihan ng bulaklak, pagandahan ng disenyo’t damit ng santo at patibayan ng kaha. Ang mga karwahe ng mga santo ang nagbibigay buhay sa prusisyon. Ang mga bulaklak ang nagbibigay kulay sa mga ito.

Galing sila sa kabukiran sa Landi, sila ang pamilya Limay. Ang ama na si Noel ay naatasang dalhin si Jicko, batang limang taong gulang lamang at ang ina nama’y sumama sa mga nagnonovena, si Ilya. Nakaugalian na ni Ilya na kapag prusisyon ng pagkamatay ni Hesus ay sumasama siya sa novena. Itong mag-ama nama’y laging nasa pila ni Maria Magdalena. Maaga pa lamang ay nasa sinbahan na sila upang makaupo sila sa misa. Pagkatapos na pagkatapos ay pumunta sila agad sa karwahe ni Maria Magdalena upang sa karamihan ng tao’y di sila mapapag-iwanan. Ganoon nga ang nangyari, pagod man sa paglalakad ay andoon ang kasiyahan ng mag-ama na matapos ang prusisyon. Nauna silang nakapasok ng simbahan. Ang Ina nama’y nasa hulihan pa ng prusisyon na sa kasalukuyan ay nasa kalagitnaan pa lamang ng buong landas na kailangang tahakin. Sa pagiintay ay naalala ng ama ang bilin ni Ilya. “Wag mong kalimutan yung bulaklak. Noong nakaraang tao’y hindi maalala ni Noel kung paano siya nakakuha ng bulaklak galing sa karwahe ni Maria magdalena. Ang tanging naalala niya’y nagkakagulo ang mga tao, nagsisiksikan sila, naguunahan na makakuha ng bulaklak mula sa karwahe. At sa isang iglap ay may hawak na siyang bulaklak, di niya mawari kung may nag-abot sa kaniya o may naghagis, o napulot niya. Simula noo’y sinuwerte na sila sa buhay. Naging maginhawa ang pamumuhay nila dahil sa bulaklak na yaon. Yun ang paniniwala ng mag-asawa. Naging misteryo sa kanila ang bulaklak.  Pero ang importante ay ang kasalukuyan. Iginagarahe pa lamang ang Karwahe ni Maria Magdalena sa tabi ng ilang pang maliliwanag at magagandang karwahe ay dinumog na ito ng mga tao na nagtutulakan papalapit dito. “Anak Jicko, dito ka lang ha, wag na wag kang aalis dito, kukuha lang ako ng bulaklak, dito ka lang ha.” Ang utos ni Noel. Tumango lamang si Jicko at tiningnan ang amang lumusong sa dagat ng mga katawang nagsisiksikan. “Kailangan kong makakuha ng bulaklak na ito para swertehin ulit kami, parang awa mo na Mahal na Maria Magdalena, parang awa mo na.” sinwerte naman si Noel na makakuha ng mga bulaklak, isang kumpol ng bulaklak. Galak na galak si Noel na nakakuha muli siya ng bulaklak. Bulaklak na inialay sa Sinisimbolo ng imahe, bulaklak na inagaw ng mga tao para tugunan ang pangangailangan. “Para ito sa aming pangangailangan, maraming salamat po” sabi niya sa kanyang isip. Nakangiti niyang binalikan si Jicko sa pinagiwanan niya sa kaniya. Ngunit ni anino ng anak ay wala. Sinuri niya ang paligid na puno ng mga mukha na di niya kilala. Ang tanging mukhang nakilala niya ay sa asawa niya. Mukha kung saan nakaguhit ang pagtataka at pagkamangha. Nangingilit ang luha sa mga mata ni Noel. Hindi siya mapakali kung saan magsisimulang hanapin ang anak. Hindi din niya mawari kung paano ipapaliwanag sa asawa ang nangyari. Wala sa hinagap niya na tumatakbo na siya, at isinisigaw ang pangalan ng anak. Sumunod sa kanya si Ilya na umiiyak na sumisigaw sa kalagitnaan ng karamihan. Nagtitinginan sa kanila ang mga taong nakapaligid, nagtataka ang mga bata, at ang mga ale’y nagtakip ng bibig. Walang tigil sa paghahanap ang magasawa. Konti nalang ay bibigay na sa paghagulgol si Ilya pero nanatiling matatag si Noel. Sa kadiliman ng gabi, sa karamihan ng mga tao, sa kasagsagan ng paguulayaw nangambang hindi makita ng mag-asawa ang anak. Nagdesisyon si Noel na pumasok ng simbahan at magdasal para makita nila si Jicko. Lumuhod sila sa harapan ng simbahan nagdasal ng mataimtim. Maririnig pa rin sa labas ang ingay ng mga taong naghihintay at humihila ng lubid ng Nazareno Hesus. Ilang minutong nakalipas napalingon si Ilya sa bandang kanan ng simbahan at nakita doon si Jicko kasama ng mga matatandang babaeng nagrorosaryo. Kumaripas siya ng takbo patungo sa anak at hinagkan ito.

 

Ninio.

Posted: April 8, 2012 in Mahal na Araw 2012..

Sa kalagitnaan ng karagatan ng mga tao’y makikita mo ang masisigasig na bata na nakikipagsapalaran kasama ang kanilang mga magulang. May ilan-ilan na ang kaagapay nila ay mga kabarkada nila. Ang ilan ay sinasamahan ang kanilang mga lolo’t lola. Sa kabila ng init at siksikan sa prusisyon ay makikita mo ang mga ngiti sa mga batang ito. Sila ang sumasagisag sa batang Hesus na masigasig na sinusuong ang mga pagsubok ng buhay.

Sa una’y di mo mapapansin si Ninio. Sa dami-dami ba naman ng tao’y di mo mawawari na isang maliit na bata ang susuong sa prusisyon. Sa pagkakakita ko sa kaniya’y naalala ko kung paano isinama ni Jose at ni Maria ang kanilang anak sa simbahan upang magsimba. Sino ba naman ang hindi makakaalam kung paano ibinahagi ng ating Panginoong Hesukristo ag kaniyang nalalaman sa mga gurong nagpupulong sa simbahan. At kung paano niya pinamangha ang mga ito. Si Ninio’y di nalalayo sa Kanya. Hindi man katalinuhan ang ipinamalas niya, makikita mo ang tapang niya sa kabila ng kanyang kamus-musan.  Sa kanyang mundo’y higante ang mga kasama niya. Kalsadang puno ng mga taong triple ang laki sa kanya. Siya’y tatlong taong gulang lamang at ang tanging gabay niya’y ang kaniyang ama. Hindi siya buhat-buhat ng kaniyang ama. Naglalakad siya katulad ng mga taong makapaligid sa kanya. Hawak lamang siya ng kaniyang ama sa kamay. Ang ama niya’y nakayapak, at naka t-shirt na maroon na tanda ng pagiging deboto ng Poong Nazareno.Si Ninio’y nakaputi naman at naka-puruntong na kay liit. Ang kapansin-pansin sa kanya’y ang kanyang hubad na paa. Talo pa niya ang mga taong nakapaligid sa kanya na nakaStep-in naka rubber shoes, nakatisnelas o kaya’y nakamagarang sapatos. Tatlong taong gulang at nagsasakripisyo na siyang maglakad ng nakayapak. At ang masakit pa’y makikita mo ang mga patak ng tunaw na kandila sa kanyang mga paa. Ngunit kapag masulyapan mo ang mukha niya’y wala kang makikitang bahid ng reklamo o di kaya’y pagod. Oo pinagpapawisan siya ngunit nasa mukha niya ang ngiti kapag binabati siya ng mga tao. Mababakas mo din naman ang uhaw niya. Sa harapan nilang mag-ama ay may ale na hawak ang isang lata ng mountain dew. Pawis na pawis ang lata, na nangangahulugang malamig pa ito. Pilit itong inaabot ni Ninio pero di niya ito madampian. Sa mga pagkakataong di niya ito maabot ay ngingiti lamang siya tapos ay pipilitin ulit itong kunin. Noon di’y napansin ito ng ale, masakit alalahanin kung paano niya sinunggaban si Ninio. Alam niyang batang bata pa itong si Ninio pero tinarayan niya ito. Niyakap siya ng kanyang ama upang depensahan ang anak at humingi siya ng kapatawaran. Bigla naman naglaho sa karagatan ang ale at di na muli pang nakita.  Sa mga panahong patay si Hesus, sana’y maramdaman natin ang kaniyang sakripisiyo para tayo’y mailigtas sa ating kasalanan. Sana’y magbalik loob tayo sa kaniya at humingi ng kapatwaran sa anumang mga di kanais-nais na naipataw natin sa ating kapwa. Sa pagkakataong iyo’y ibinili ng ama si Ninio ng tubig at saka’y tumuloy sila sa paglalakad. Sa paginom ni Ninio’y makikita mo ang nararamdaman niyang ginhawa. Mas lalo pang uminit ang mga ngiti niya. Palingon-lingon siya sa mga taong nakapaligid sa kaniya animo’y nagtataka, hinila niya ang hawak niyang kamay ng ama at nakangiting nagtanong: “Ama! sarap ng tubig, saan tayo pupunta?”

Aaminin ko po TAKOT AKO SA BUTIKI!!!!! Makita ko pa lamang ang buntot nito na natatanggal, tumatayo na ang aking balahibo. Lalo na kapag naputol nang tuluyan ang buntot na yun at io’y nagkaroon ng maliit na sulo’y, siya ka pakiramdam ko’y puputok na ang ulo ko sa diri. Lalo na kapag nakadapo ito sa salamin, at kita mo sa kabilang dako kung gaano kadilaw ang ilalim nito, makikita mo rin ang mga laman loob nito kapag manipis ang balat nila. Kadalasan pa nama’y mininipis lamang ang balat nila sa ilalim. Isa pang karateristik ng mga butiki ang nagpapatayo ng balahibo ko ay ang mga ulo nila, lalo na ang tuko. Sobrang laki ng ulo nila para sa kanilang katawan. Makahawak lamang ako nito’y siguradong mahihimatay ako.

Noong bata pa lamang ako wala akong pandidiri sa butiki. Sa katunayan, kinakausap ko pa sila at ipanghuhuli ng mga lamok at langaw. Ngunit isang kagimbal-gimbal na masaker ang nangyari. Isang pangyayaring nagpabago sa aking pananaw. Noong binisita kami ng pinsan namin mula sa bukirin, walang tigil ang paglalaro namin. Hanggang sa napagtripan namin yung butiking nananahan sa ilalim ng mesa ng Lolo’t lola ko. Tinorture namin yung butiki at pinatay. Di ko na ilalahad pa lahat dahil nandidiri ako. Basta isipin niyo na lamag yung pinakakadiri na torture na pwede niyong gawin sa butiki. Anyway dahil doon kapag nakakakita na ako ng butiki naalala ko yung tinorture naming butiki. Naaawa ako sa kanya, at hanggang ngayon inuusig pa din ako ng konsiyensiya ko. Gusto kong maulit yung pangyayaring yun at pigilan ang pagkamatay at pagpapakahirap nung butiki. Ang naging parusa sa aki’y buong buhay ako matatakot at madidiri sa butiki. Marami nang beses na pinilit kong tanggalin ang pandidiri ko sa butiki, humawak na ako ng butiki at humalik pero walang epekto, nasusuka ako at nandidiri!

Paggising ko kaninang umaga’y tumayo ako sa kama at humarap sa may pasamano ang nakapikit at iniunat ko ang aking katawan. Pagbukas ko ng aking mga mata’y tumambad sa akin ang bangkay ng isang butiki na nalawit ang ulo sa pasamano. Nagsisigaw ako sa gulat at umiyak. Kitang kita mo yung amag ng naagnas na katawan. Matutunaw ka sa titig ng mga butas sa kanyang ulo na dati’y lunga ng mga mata. Gayun din ang pipit nitong katawan ay nakakasugat ng paningin sa nipis. Nang makita koi to nasabi kong, maswerte ka pa at namatay kang naipit lamang at di ka natulad doon sa minasaker naming. Butiki nga naman. Ang sarap ng araw mo kung umaga pa lamang tatambad na agad sa iyo ang bangkay ng butiki.

 

Poor Kiko

Posted: March 28, 2012 in Politika, Pilipino - Sila at Ako

Isa siyang guro sa isang kilalang paaralan sa U-belt. Kilala dahil sa ang magulang niya ay naging guro din sa eskwelahan na iyon. Ngunit matiim niyang pinaninindigan na hndi siya natanggap doon dahil sa pangalan ng kayang ina. At ito’y dahil sa kanyang sariling sikap at katalinuhan.

Sa simula pa lamang ng kalse ay nagpakilala na siya sa amin, na normal ginagawa ng mga guro. Pero ang hindi normal sa kanya ang haba ng binanggit niyang mga natanggap niyang mga parangal. Cum Laude daw siya kuno. Ikaw na! proud din siya na nakapagtrabaho siya sa isang malaking kumpanya sa Makati. At nakapagbenta ng mga kung anu-ano sa mga bahay-bahay. Mariin niyang tinututulan ang kaisipan ng mga OFW na walang trabaho dito sa Pinas. Dahil siya mismo na isang babae ay nagkaroon ng mga magaganda at matitinong trabaho. Pero ni sa hinagap niya di pumasok ang makapagturo sa institusyong pinagtrabahuhan ng Ina.

Nagtuturo siya ng Sociolohiya at Anthropolohiya. Ito’y ang pag-aaral ng mga Tao at ang lipunang kanilang ginagalawan. Walang duda na talagang gamay niya ang bawat sulok ng pag-aaral na ito. Nasbai di niya noon na hinding-hindi niya kami pababayaan na bumagsak sa Final exam na kinatatakutan ng lahat. Dahil sa kakaunti lamang ang pumapasa dito. Di siya nagkulang sa pananakot sa amin sa mga araw na pumapasok siya.

Si Ma’am ay isang cool na guro. Siya yung guro na papasok na nakashades kahit maulan. Kadalasan nagpapalda siya ng sobrang ikli, halos kasing haba na nang pek-pek short. Si Kiko na estudyante niya ang laging nakakapuna sa suot ni Ma’am. Minsa’y maririnig mo na lamang si Kiko na tumatawa dahil sa kitang, kita na ang mga kamot sa pigi ni Ma’am, gayon din ang papaitim niyang singit. Di mo naman siya masisisi kung nais niyang ilantad ang legs niya dahil mahaba ang biyas niya at may kaputian din. Dahil na din siguro sa pagiging matandang dalaga niya kaya malakas ang loob niyang magsuot ng daring na damit kahit na mejo kulubot na ang balat niya.

Matalino siyang guro pero di sapat yun upang matuto kami.  kadalasa’y absent siya. O kung hindi absent ay late. At kung papasok naman ay, magkakaroon kami ng lecture pero di tungkol sa subject kundi tungkol sa buhay niya at mga hilig. May mga pagkakataon din naman na itinatalakay niya ang mga nilalaman ng libro namin pero ang problema, nagbababad kami sa iisang topic. Lalo na kapag pinag-uusapan na ang Kasal at pag-ibig. Para bang wala nang bukas kung makangisi si Ma’am kapag yun na ang laman ng silid aralan. Eto pa wala din siyang pakialam kung 1 week before the final exam kami mag Midterm exam. Astig no? hahah!

Extra work naman jan! yan ang hilig ni Ma’am, utos dito, utos doon. Ipinangako niya sa amin na kapag nagkaroon kami ng extra work ay may extra grade din. Pero may extrang Amnesia din itong si Ma’am. Natapos na’t lahat-lahat ang Finals ay para bang wala kaming ginawa sa subject niya, kulang na lamang ay Isingko niya kaming lahat. Eto pa ilan sa mga Topic sa Final exam ay di niya itinuro sa amin, kung di siguro kami nagself study at pinag-aralan yung libro, Aba! Wala kaming maisasagot sa exam. Kaya ang resulta Tres. Amen!

Ganyan ang guro namin. Astig! Nakausap siya ni Kiko tungkol sa grado niyang tres na halos ang buong klase ay nakakuha ng parehong marka. Ang sabi niya lang ay, ibinase niya ang grades  on her subjective assessment sa mga studyente and the values of the students. Eh kaya naman pala nakatres si Kiko dahil sa wala siyang ginawa kundi tumawa ng tumawa sa klase ng gurong ito. Sa kabilang dako naman ay matataas ang marka niya, kahit papaano. Pwede nang igrade ang dos, pero ang tres WOW! Poor Kiko

Teacher's extravaganza

oops!!

.